Libreng edukasyon ang hatid ng Republic Act 10931 o UAQTEA.

Kasama rito ang libreng competency assessment, allowance at toolkits.

Para maka-avail, siguraduhing pasok sa sumusunod na kwalipikasyon:

  1. May sampung taon na basic education at iba pang requirement na nakasaad sa Training Regulation ng napiling kurso
  2. Sumailalim na sa NCAE/MATB/YP4SC Profiling
  3. Hindi college graduate
  4. Hindi holder ng National Certificate III o mas mataas pa, maliban na lamang kung enrolled sa Level IV bundled programs o Diploma courses
  5. Walang scholarship grant galing sa ibang ahensya ng gobyerno
  6. Filipino citizen